1. Maghanda sa pamamagitan ng pagtuturing na normal ang mga pagkakaiba
Ang tunay na pagsasali ay nangyayari kapag ang mga pagkakaiba ng bawat isa ay tinatanggap na normal.
Kapag itinuring nating ‘normal’ ang pagiging kakaiba, ang pagsasabi sa ating mga anak na sila ay Autistic (o, sa katunayan, ang pagsasabi sa kanyang mga kapatid o mga pinsan o mga kalaro o sinuman ng tungkol sa Autism), ay maaaring maipakita bilang bahagi lamang ng likas na pagkakaiba-iba ng kalagayan ng mga tao.
Ang Autism ay isa lamang likas na pagkakaiba na katulad ng iba pa.
2. Gawing normal ang mga pisikal na pagkakaiba
Simulan sa pamamagitan ng pagpapakita na normal ang mga pisikal na pagkakaiba.
Bago maging handa ang iyong anak na marinig ang tungkol sa pagkakaiba ng utak, na mahirap unawain (abstract) at mahirap ilarawan sa isip, simulan sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na pansinin, gawing normal at tanggapin ang mga pisikal na pagkakaiba, kabilang ang mga pisikal na kapansanan.
3. Gawing normal ang mga pagkakaiba ng utak
Bawat utak ay nakapag-iisip, nakakikita, nakararamdam, at gumagana nang magkakaiba.
Ang paggawang normal ng mga pagkakaiba ng ating mga utak (ang ating mga libangan, ang ating mga gusto at di-gusto, ang likas nating mga pagkahilig, ang ating mga pandama, ang mas gusto nating pakikipagkomunikasyon) ay mahalaga.
Gayundin ang pag-uugnay ng mga pagkakaibang iyon sa kayamanan ng lahat ng tao: kailangan natin ang ating mga artista at arkitekto, ang ating mga musikero at matematisyan, upang gawin ngang napakagandang lugar ang mundong ito.
Ang mga pagkakaiba ay hindi lamang normal: ang mga ito ay mahalaga.
4. Saliksikin ang mga kakayahan
Bawat tao, anuman ang kanyang mga pangangailangang pangsuporta at pangkomunikasyon, ay may mga likas na talino at kakayahan.
Lahat ay may mga iba’t ibang kakayahan at likas na talino na maiaalay.
Saliksikin ang sa iyo, sa iyong pamilya, at ang mga bukod-tanging kakayahan ng iyong anak.
Saan siya mahusay?
Saan siya lumalago at umuunlad?
Ang pagkilala, pagbibigay-ngalan, at paggamit ng mga kakayahan ay lumilikha ng positibong pananggalang laban sa stress at bumubuo ng kakayahang makibagay.
5. Saliksikin ang mga paghamon
Bawat tao, gaano man ang kanyang kakayahan, ay may mga paghamon at mga bahagi kung saan kailangan niya ng karagdagang suporta.
Isang paraan ng pagharap sa isang talakayan tungkol sa mga paghamon ay ang pagtanggap ng iyong mga pagkakamali, humingi ng paumanhin kapag ito ay kailangang gawin, maging taong maaaring gumawa ng mga pagkakamali, at maliwanag na sabihin ang sarili mong mga paghamon kapag nagkaroon ka ng mga ito.
Sa gayon, maaari mong suportahan ang iyong mga anak na gawin ang mga ito nang sarili nila.
Ang mga paghamon ay kasing-halaga ng mga kakayahan sa pagkakilanlan ng iyong anak.
6. Ang “usapang Autism’
Ang Autism ay isa lamang pangalan upang ilarawan ang mga partikular na grupo ng mga kakayahan, mga paghamon at mga pagkakaiba ng utak na mayroon ang isang tao.
Lahat ay pisikal na magkakaiba, lahat ay neurolohikal na magkakaiba, lahat ay may mga kakayahang magkakaiba, at lahat ay may mga paghamong magkakaiba.
Ngunit… may ibang mga tao na may kaparehong mga kakayahan at mga paghamon at mga pagkakaiba ng utak sa iyong anak.
Ang mga tao na may ‘kaparehong pagkakaiba’ (similarly different) ng kanilang utak sa utak ng iyong anak ay Autistic na lahat. Ang Autistic na Komunidad ay isang bagong pamilya ng ‘neurokindred’, kung saan dito ay kabilang ang iyong anak.
The Reframing Autism team would like to acknowledge the Traditional Owners of the lands on which we have the privilege to learn, work, and grow. Whilst we gather on many different parts of this Country, the RA team walk on the land of the Amangu, Awabakal, Bindjareb, Birpai, Whadjak, Wiradjuri and Yugambeh peoples.
We are committed to honouring the rich culture of the Aboriginal and Torres Strait Islander peoples of this Country, and the diversity and learning opportunities with which they provide us. We extend our gratitude and respect to all Aboriginal and Torres Strait Islander peoples, and to all Elders past and present, for their wisdom, their resilience, and for helping this Country to heal.